top of page

Good Morning, Towel: Bimpo, Saksi ang pagod ng mga ordinaryo - By Erdy Ballesteros

7 days ago
4 min read

Written By: Erdy Ballesteros

Category: Essay

Competition: Global Poetry and Creative Writing Competition 2026

Erdy Ballesteros presents "Good Morning, Towel: Bimpo, Saksi ang pagod ng mga ordinaryo," a thought-provoking essay submitted to the Global Poetry and Creative Writing Competition 2026. Ballesteros expertly captures the essence of ordinary life through the lens of a humble towel, a staple in many households. This piece is part of the essay category, reflecting the nuanced experiences and resilience of everyday individuals.

About the Work

Erdy Ballesteros' essay delves into the symbolic significance of the Good Morning Towel, a seemingly mundane object that resonates deeply with many. The work is rich with cultural imagery and personal anecdotes, painting a vivid picture of how this common item plays a vital role in the lives of workers, students, and everyday people. The narrative underscores themes of perseverance and the small comforts that sustain us amidst life's challenges.

Good Morning, Towel: Bimpo, Saksi ang pagod ng mga ordinaryo

Original Submission by Erdy Ballesteros

FEATURE | Good Morning, Towel: Bimpo, Saksi ang pagod ng mga ordinaryo

Sulat ni Erdy Ballesteros

________________

Kailan ang huling beses na nagpunas ka ng pawis gamit ang puting panyo?

Sa mga panahong saglit ka pa lamang sa labas ay para ka nang binuhusan ng tubig sa tindi ng tagaktak ng pawis sa balat.

Sa bulsa, isang malambot kung hawakan, mahaba, madalas ay gawa sa cotton, at minsa’y masisilayan sa iba’t ibang kulay.

Bimpo.

O puting bimpo.

Isa sa pinakakaraniwan na tuwalya na ginagamit natin ay ang Good Morning Towel.

Makikita niyo ito sa nagtatalong nanay at anak sa paaralan. Nakasampay sa balikat ng isang jeepney driver, o kaya ay baon ng isang ale na nagdadasal sa bahay-simbahan.

Hindi ito gaano nabibigyang-pansin ng karamihan ngunit may kahulugan ito sa mga taong gustong malimot ang pagod kahit sa panandalian lamang.

Sinasabit ito sa likuran upang maiwasan maipunan ng basa at amoy ng pawis. Madalas ay nagpapatulong pa tayo magpalagay sa ating likod tuwing pagkatapos mapahiran ng pulbos, o kaya nama'y nilalampaso lang ito kung saan-saan.

May sariling mundo rin ito na tila naglalaho at biglang hindi na lang mahanap-hanap—hindi na pala napansin na nahulog na ito sa sahig o kaya'y ninakaw na pala ng kasamahan. Sinusulatan pa man din namin ito ng pangalan gamit ang whiteboard marker bilang palatandaan noon, sapagkat wala namang pinagbago.

Naaalala ko pa na tuwing year-end party namin sa silid-aralan, minsa'y may umiiyak o kung hindi sila ay ako ang nagtatampo tuwing nakatatanggap ng ganoong klase ng regalo. Sapagkat kapag pinaghahambing natin kung ano mayroon ang kaklase natin, doon tayo’y nakararamdam ng inggit.

Mula habulan sa kalsada na may kaunting dapa at disgrasya—uuwi nang may malakas na sermon at mahapding agua oxinada.

“Susmaryosep!”

May tono pang kasama yan habang tumutulo ang aking luha na may kasamang kaunting ngiti habang mahigpit kong hawak-hawak ang puting bimpo ko.

Kahit atleta, estudyante, o mga manggagawa sa sektor ng industriya man iyan—sabihin nating masakit sapagkat totoo. Hindi lang sila mga adik sa trabaho; adik rin silang mabuhay.

Pantawid ng pagod tuwing dala-dala ito kung saan-saan.

At sino na lamang ang nakapapansin nito? Walang iba kung hindi ang sarili natin at ang panyong dumudumi sa bawat dampi sa pawis.

Sa kalagitnaan ng initan, sa tabi ng kalyeng mausok at magulo. Mahigpit ang kapit ng tagasalo ng pawis at luha para sa ating mga street vendors, naglalako ng dirty ice cream, o kaya nama'y mga sumisigaw na mga magtataho tuwing umaga.

Simple pero epektibo—hindi halata ngunit parte na ito ng buhay ng mga ordinaryo.

Kahit sa mga lumalaban tuwing protesta, mga naglalakad tuwing kampanya, at mga patas na namumuhay sa gitna ng libo-libong aberya.

Matatawag natin itong swerte sa malas.

Swerte na may pamawi tayo ng nakakailang na pawis. Swerte sa pagiging adik ng pamumuhay. At swerte na ginagawang pampalipas ng oras ang pahinga gamit ang munting cotton imbes na ikaway ito bilang pagsuko.

Dahil dala ng pagod at lugmok sa kahirapan, pagitan ng walang katapusang pagsisikap o pangarap, bawat pahid ay sumisimbolo na patuloy pa din sa pakikipagsapalaran.

Hindi na ito makabago—magaan, malinaw, maputi, at para ito sa mga ordinaryo.

About the Competition

The Global Poetry and Creative Writing Competition 2026 by Hashtag Kalakar is a prestigious platform celebrating diverse literary voices worldwide. It invites participants to showcase their creativity and storytelling prowess across various categories, encouraging both seasoned writers and new talents to share their unique perspectives through the written word.

Thank you, Erdy Ballesteros, for sharing "Good Morning, Towel: Bimpo, Saksi ang pagod ng mga ordinaryo" with us. Your essay beautifully captures the resilience found in the simple acts of daily life. We appreciate your contribution to the Global Poetry and Creative Writing Competition 2026 and look forward to seeing more of your insightful work in the future.

About Hashtag Kalakar

Hashtag Kalakar is a creative platform dedicated to providing artists, writers, singers and other creative talents with opportunities to showcase their work and reach wider audiences through competitions, features and creative initiatives.

 
 
 

Recent Posts

See All
Dust - By Isaac Tan Sheng Jun

Written By: Isaac Tan Sheng Jun Category: Short Story Competition: Global Poetry and Creative Writing Competition 2026 Isaac Tan Sheng Jun, a creative voice participating in the Global Poetry and Cre

 
 
 
The Bar Below - By Isaac Tan Sheng Jun

Written By: Isaac Tan Sheng Jun Category: Short Story Competition: Global Poetry and Creative Writing Competition 2026 Isaac Tan Sheng Jun, a creative voice participating in the Global Poetry and Cre

 
 
 
The Pain Game - By Elliot Thomas

Written By: Elliot Thomas Category: Poetry Competition: Global Poetry and Creative Writing Competition 2026 Elliot Thomas, an accomplished participant in the Global Poetry and Creative Writing Compet

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page