top of page

Isang Pribilehiyo Ang Pagmamahal - By Victoria Mabalo

Aug 15
4 min read

Written By: Victoria Mabalo

Category: Poetry

Competition: Global Poetry and Creative Writing Competition 2026

In "Isang Pribilehiyo Ang Pagmamahal," poet Victoria Mabalo delves into the complex emotions surrounding love and privilege. This evocative piece is part of the Poetry category in the Global Poetry and Creative Writing Competition 2026. Mabalo's work captures a poignant exploration of the heart's desires amidst life’s realities, a theme that resonates deeply in today's world.

About the Work

Victoria Mabalo's poem masterfully intertwines longing and reality, painting a vivid picture of love as a precious yet elusive privilege. Through profound imagery and emotional depth, Mabalo conveys the bittersweet nature of love, highlighting the societal and personal barriers that often accompany it. The poem's introspective tone invites readers to reflect on their own experiences of love and longing.

Isang Pribilehiyo Ang Pagmamahal

Original Submission by Victoria Mabalo

Isang Pribilehiyo Ang Pagmamahal

Ang sarap sigurong magmahal.

Ni minsan ba’y sumasagi rin sa iyong isipan ang katagang ito? Ang pakiramdam ng magmahal at ng minamahal. Masarap siguro sa pakiramdam. Masaya siguro kung iisipin. Sa mundong punong-puno ng paghihirap, pagdurusa, kalungkutan, at kapanglawan - ano kaya ang pakiramdam na umuwi sa taong maituturing mong tahanan? Na may mahahadkan pagkagaling sa isang buong araw ng trabaho. Na sa isang yapos lang ay tila ba’y lahat ng iyong lakas ay bumalik sa iyong katawan. Ibang-iba siguro ang pakiramdam ng may pahinga sa nakakapagod na mundo. Hindi kama’t unan o upuan, kundi tao. Ano ang pakiramdam na magkaroon ng isang taong nariyan para sa iyo sa tuwing ikaw ay gusto ng sumuko?

Ngunit sa hirap ng panahon ngayon, dulot ng iba’t-ibang aspeto ng buhay, pati ang pagmamahal ay isang pribilehiyo. Ang pagmamahal ay isang salita, pero mahal pa rin ang magmahal. Hindi sapat ang pagmamahal kung wala kang makakain tuwing almusal. Tuwing tangalian, o tuwing hapunan. Hindi sapat ang pagmamahal kung ang pamilya mo ay nahihirapan. Hindi sapat ang pagmamahal kung hindi mo na alam kung saan pupulutin ang mga salaping kailangan upang makapag-aral. Hindi sapat ang pagmamahal kung ito lang ang natatanging mayroon ka. Hindi tayo mabubuhay sa pagmamahal lamang. At iyon ang masaklap na realidad.

Kung iisipin, oo, masaya siguro sa pakiramdam ang may minamahal.

Pero hanggang kailan magiging sapat ang masaya lang?

Sa totoo lang, gustong-gusto kong buksan ang pintuan na matagal nang naka-kandado rito. Na kapag tinanggal ko ang mga nangangalawang na kadenang nakapulupot dito ay maari ko na siyang pagbuksan ng pinto. Ngunit may pumipigil pa rin sa akin na gawin ito.. at iyon ay ang kawalan ko ng pribilehiyo.

Sana sapat ang pagmamahal.

Pero hindi.

Mahal ang magmahal, at ayokong magmahal na may nararamdamang poot sa aking puso na tila ba hindi matanggal - na tila bang may pumipigil sa akin na mahalin ka dahil ito lang ako.

Ito pa lang ako. Kaya kung dumapo man sa iyo ang talatang ito at naisipan mong isalin at basahin ito.. gusto kong maunawaan mo na nangungulila ako sa mga yakap at halik mong hindi ko pa naman natatamasa. Nakasilip ako sa maliit na awang ng aking pintuan at oo, nakikita ko mismo ang iyong mga mata.

Pasensya ka na.

Hindi ko pa nararating ang mga pangarap na ninanais ko. Hindi pa ako kumpleto. Pakiramdam ko ay hindi ako nararapat sa iyo dahil nariyan ka at narito pa lang ako. Kaya pasensya na kung ni minsan ay pakiramdam mong manhid lamang ako - pero hindi iyon totoo.

Nararamdaman ko ang bawat pagpipigil at pag-aalinlangan sa bawat sulyap mo. Nararamdaman ko ang pananabik sa tuwing nagtatama ang mga mata nating tila ba’y nangungusap, nangangarap.. Na para bang gustong sambitin ang mga katagang - salamat, at nakita kitang muli. Nawa’y manatili ka rito. Nararamdaman ko ang init ng iyong palad sa tuwing hinahawakan ko ang iyong kamay na ayoko sanang bitawan pang muli. Nararamdaman ko ang bilis ng pagtibok ng aking puso sa tuwing ika’y humahalakhak at ngumingiti na naging dahilan ng aking binhi ng patuloy na pagtanggi.

Itinatanggi ko kung gaano ako ka-apektado sa bawat sulyap mo.

Sa tuwing nalalanghap ko ang simoy ng iyong pabango.

Sa tuwing naririnig ko ang malalim na boses mo.

Sa tuwing nahahawakan ko ang mga kamay mo.

Sa tuwing ikaw ay nananatili sa tabi ko.

Sa tuwing sinasambit mo ang pangalan ko.

Sa tuwing ika’y ngumingiti na tila ba iyon ang pampawala ng pagod ko.

Ngunit apektadong-apektado ako, kahit ilang beses ko pang itanggi sa puso’t isipan ko. At nahihirapan akong makawala rito. Gusto kitang mahagkan sa piling ko. Ang kaso, wala akong pribilehiyo sa estado ng buhay ko ngayon.. at wala rin akong pribilehiyo sa ‘yo.

Kaya mananatili akong tahimik at pipigilan ko ang aking pananabik. Gusto kita, pero hanggang doon na lang muna. Hindi ko kayang panoorin kang nariyan sa itaas habang ako’y nagmumula rito sa ibaba na wala pang lakas.

Kung sakali mang mayroong ibang dimensyon, ibang mundo, o sa kabilang buhay - nawa’y matagpuan kitang muli sa mas maayos na sitwasyon. Nawa’y sa susunod na habangbuhay ay magkaroon ako ng pribilehiyong mahalin ka nang walang pag-aalinlangan at hangganan. Nawa’y mahagkan at mayapos ko ang init ng iyong katawan. Nawa’y mahawakan ko ang iyong mga kamay nang hindi nagtatago sa pagkakaibigan. Nawa’y sa susunod ay magkaroon ako ng karapatan.

Karapatan at pribilehiyo, upang mapa-sa’yo at mahalin ka nang buong-buo.

About the Competition

The Global Poetry and Creative Writing Competition 2026 by Hashtag Kalakar celebrates diverse voices in literature. This international platform invites writers and poets to share their unique perspectives and stories. With a focus on creativity and innovation, the competition serves as a beacon for emerging and established talents alike.

We extend our heartfelt thanks to Victoria Mabalo for her moving contribution, "Isang Pribilehiyo Ang Pagmamahal," to the Global Poetry and Creative Writing Competition 2026. Her words remind us of the delicate interplay between love and privilege, capturing emotions that resonate universally. We look forward to more of her insightful work in the future.

About Hashtag Kalakar

Hashtag Kalakar is a creative platform dedicated to providing artists, writers, singers and other creative talents with opportunities to showcase their work and reach wider audiences through competitions, features and creative initiatives.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page